Friday, June 12, 2009

senti.

There was never an empty space between sanity and reality

The coldness of the world engulfs me...

Shattered soul, rancid beliefs, society that keeps on pushing my existence

So lame, my path converge with darkness that seems to summon an infinite fatality

I’m tired, revenge is at hand but the mind keeps on walking on the torn paths of the unknown

So to keep my soul from ravaging, I walk out of the rapacious sins of society

I isolated every idea and fallacies that seems I falter to seek

It feels good, yes, the soul is shouting every bits of sins

It feels good, I forgot to embrace sanity

I was lost, in times when lights all fade

I can’t summon even the simplest sanctuary that would make my soul safe

Time moves with alacrity, and I am now nowhere to be seen

But alas! Out of the depths of the road, a vial long been abandoned now lures my existence

Something is wrong, perhaps I should yield but it gave me strength and makes me nimble to pains

The core of my soul began revolving in an age I thought society long forgotten

I want to call all the souls living in this middle-earth and those of the guardians above

A mystic soul has been released and is now moving in a path that seeks elixirs and potions

Here I am, my long forgotten society, equipped with shields, vambrace, and helms.

I am here, afraid of the future no more

For a vial had fused my soul and we are now a mind blowing item of force…

Monday, November 17, 2008

2ngkol sa bundy clock, bow

Bundy clock

Nasubukan mo na bang malate sa opisina? Yon bang akala mo ok lang di kailangan magrush tapos biglang pagdating mo dun, para kang binagsakan ng sandamukal na yelo dahil late ang relo mo sa bundy clock ng opisina? Nasubukan mo na bang gumising ng maaga pagkatapos pumasok ka eh mas maaga ka pa sa alas kwatro dahil sa sobrang aga ng relo mo kumpara sa bundy clock ng pinagtratrabahuhan mo? Ako naranasan ko na yan. Ang ganda ng araw mo pag ganyan, iisipin mo na sana naging tagyawat ka na lang kesa pumasok.

Sa araw-araw na ginawa ng Dyos eh kapiling ko ang bundy clock sa pinagtratrabahuhan ko. Kapag nalate ka ng kahit limang minuto, puputaktihin ka ng sermon ng boss mo at lalabas ka ng opisina na mabangong- mabango dahil sa dami ng sabon ng sermon na ipapahid sayo. Naalala ko yong isang katrabaho ko na nakipagpatayan sa pila ng sasakyan dahil sa malalate na sya. Mistulang sasambahin mo ang kanyang kagitingan sa pagtalon, pag-iwas at pagpigil sa anumang kokontra sa pagpunta nya sa opisina sa tamang oras. Ang taas ng adrenaline nya. Para syang pinagsamang Speedy Gonzales at Tazmanian Devil. Kaso nung dumating na sya sa opisina eh nakalimutan nya na day- off pala nya. Di ko maipaliwanag kung anong klaseng pagmumukha meron sya nun. Iimagine mo na lang si Ninoy sa limandaang piso na nakapalumbaba na eh nabagsakan pa ng pader sa ulo.

Isa ang bundy clock sa mga pinakamakapangyarihang gamit sa trabaho. Pag late, yari ka, pag sobrang aga mo, mukha kang ewan Noong November 20, 1888, inimbento ng sikat na imbentor( na ni minsan eh hindi ko pa naririnig kahit sa kapitbahay namin) na si Willard Bundy ang first time clock. Kinalaunan sumosyo sa trip nya ang utol naman nito na sikat din pero di ko talaga kilala na si Harlow Bundy ang pagmass produce ng sangkaterbang time clock. Noong 1958 naman kung kelan uso ang mga paboritong love songs ng tatay ko eh pinasimulan naman ng Simplex Time Recorder Company ang “punch in’ at ‘ puch out’ sa opisina para sa mga empleyado para malaman kung sinong late at kung sinong naggagala papunta sa plaza para lang tumaya ng bingo kesa pumasok sa trabaho. Hanggang sa ngayon eh hindi ko alam kung bakit “punch in” at “punch out” ang pinauso ng pasimuno nito. Siguro, nadenngoy ung alaga nyang gagamba nung bata pa sya kaya sya nanapak pagkatapos tinangay na nya ang idea na yon hanggang paglaki nya.

Sabi ni Hazelle, wala na syang ginawa sa mga huling oras nya sa opisina kundi maghintay ng oras. Ako man nagdarasal din na makuryente ang kamay ng bundy clock namin at matapos na ang oras ko. Kaso sagutin mo sa opisina pag sinira mo ang bundy clock. Tsaka marami mang bagot na bagot na sa bagal ng bundy clock sa bagal ng pag-ikot nito, meron namang mga taong tuwang tuwa dito. Gaya ng kaibigan kong si Gilbert. Yong girlfriend kasi nya noon eh sa opisina lang sila pwede magkita. Lagot kasi sya sa erpat ng babae pag nakita nyang magkasama sila. Kaya ayon, kahit tadtad na ng bungang araw ang kaibigan ko sa kakaatay eh masaya pa rin sya makasama lang ang mahal nya.

Sa ngayon, patuloy akong nakatitig sa orasan namin habang ginagawa ko ito, nakikita ko ang bundy clock sa relo namin. Napansin kong naging parte na sya ng pamumuhay ko. Ang bundy clock at ako, magkasama. Di man sya nagsasalita, palagi naman nya akong pinaalahanan na “ Hoy Rhandy, alas otso pasok mo, kahit di ka na maligo wag ka lang malate!”…

Monday, July 7, 2008

Pagtatanim


Pagtatanim

Requirements sa school namin noon na dapat magkaroon kami ng mga tanim na mapapakinabangan. Hinati kami ng aming guro sa maraming pangkat na binubuo ng tig-dalawang myembro. Si Michael ang napunta sakin. Maayos naman ang teamwork namin. Napagkasunduan namin na kamatis ang itatanim namin imbes na repolyo dahil sa paniniwala nya noon na nakakagoiter ang pagkain ng repolyo. Buong puso ko namang tinanggap ang kanyang payo sa kadahilanang ang aking interes sa mga pananim ay kasing liit lang ng muta ng kuto. Syangapala, ang pamagat ng parte ng librong ito ay pinamagatang “ Isang linggong ewan”.

Unang araw. Pinadala ako ni Michael ng balde, tabo at piko. Sabi ko sa nanay ko, bagong project namin ay pagtatanim. Bilang magiting na ina, binaunan nya ako ng limang pandekoko at tubig. Nung nasa site na kami, hindi ko mawari kung anong klaseng mga living things ang tumitira dun at mistulang ginyera ng batalyong surot ang lugar. Ang gulo, ang daming talahib, ang daming tae ng kalabaw at baka, ang daming lamok, ang dami…., ang dami…., ang dami….!!!!!.... Magaling talagang magplano si Michael kasi ang dala nya nun ay mga buto ng kamatis at kutsilyo na di pa ako sigurado kung breadknife o ano. Nairaos pa rin namin ang kalbaryong iyon at umuwi kami bago magdapit-hapon. Muntik pa ako malapa ng aso namin at mataihan ng ibon dahil sa konting ayos na lang eh kamukha ko na si Saddam Hussein sa dumi.

Pangalawang araw. Nagsimula na naming itanim ang mga punla sabay kausap ni Michael sa mga buto na parang may buhay. Habang ginagawa nya ito, abala naman ako sa paglalaro ng gameboy. Sabi ni Michael dapat daw kinakausap ang mga pananim. Sabi ko naman level 5 na yong pokemon ko.

Pangatlo at pang-apat na araw. Hindi ko pa rin alam ang ginagawa ko sa proyektong ito. Nakikiride on lang ako kay Michael sa pinaggagawa nya. Bad trip pa. nung araw na yon kasi nawalan ng battery ang gameboy ko. Ang naging papel ko lang ata sa mga araw na to eh ipagmalaki kay Michael na nauna ang itlog sa manok( kung gusto nyo ng kulitang usapan, try nyo yong argumento tungkol sa kung sino nauna, itlog o manok).

Panlimang araw. Nakikita na namin ang pinagpaguran namin kahit papano( para namang may ginawa ako). Hehe.

Pang-anim na araw. Nagalit si Michael. Wala raw ako naitutulong kundi magkwento. Sabi ko di na ako magkukwento, sasayaw na lang. Ewan ko pero di nya ako pinansin nun. Tumulong na rin ako kasi parang magiging siling labuyo na si Michael pag di pa ako kumilos. Sa puntong ito, halos abot na namin ang aming pakay sa pagtatanim.

Pangpitong araw. Binawi ng school ang plano at sa halip gumawa na lang daw kami ng proyekto patungkol sa paggagansilyo.

The end. Ewan ko kung anong klaseng trauma ang hinatid nito kay Michael. Ang balita ko nag “cry in the rain” sya habang kami naman eh abala na sa paghigop ng mainit na sopas.

Chess


Chess

Kelan lang eh nalaman ko na meron pala akong kakayahan sa larangan ng chess. Ito’y matapos kong talunin sa isang labanan ang siyam na taong gulang kong pamangkin. Matatawag ngang tagumpay ang pakikipagtunggaling iyon pero parang may mali. Sana’y malaman ko pagkatapos kong maghugas ng plato.

Sabi nila, ang chess daw ang laro ng mga matatalino. Isa rin itong paraan para mahimas mo ng maigi ang iyong baba. Kung may balak kang sundan ang postura ni Ninoy sa limandaang piso eh sa palagay ko dapat maglaro ka nito.

Ang chess siguro ang isa sa mga pinakaboring na libangang matatawag. Ngunti isa rin ito sa mga pinakasubok at simpleng paraan para malibang ang isang tao. Kapag nakapaloob ka sa larong ito eh dapat mong ihiwalay ang problema mo sa buhay at sinaing nyo sa bahay. Isa lang dapat ang sentro ng iyong kaisipan- at ito ay ang manalo at kung minsan para makuha ang taya. Oo, pati ang pera ay nasakop na rin ang mundo ng chess.Hindi ko talaga sukat akalain na ang talino ng tao ay dapat pa rin malapatan ng salapi.

Minsan nagawi ako sa isa sa mga parke ng Baguio. May kumpulan ng tao doon na nakatawag ng aking pansin. Naglalaro sila ng chess at nakalapag naman ang pera nilang pusta sa bandang gilid ng chessboard. Sabi ko sa sarili ko, mainam yan para kumita pero nawala ata ang pakay ng chess sa tao. Ewan ko kung namamaligno lang ako nung mga panahong yun.

Sa paglagpas ko sa parkeng yun ay andun pa rin sila. Siguro hanggang sa mawala ang dilim ay dun pa lang sila titigil. Nakakapanghinayang lang dahil nalimitahan ng pera ang tadhana ng kanilang buhay.

Magulo pa rin hanggang sa ngayon sa isip ko kung bakit dapat magkaroon ng pustahan. Pero di nga naman sila pwedeng basta na lang pakialamanan. Opinion lang siguro sa ngayon ang dapat idampi sa kanila. Sa paggising ko sana mahimasmasan ang Pilipinas sa sinulat kong ito.

Idolo


Idolo

Idolo ko ang tatay ko sa maraming bagay. Lalo na sa kwentuhan. Kung ikaw yong tipong bored na bored na, nakapaglaba at namalengke eh di mo pa alam ang gusto mong gawin at nakapasyal ka na sa Nepal eh bored ka pa, malamang na ang tatay ko nga ang hinahanap mo.

Sa tatay ko nalaman ang kalagiman ng World War II. Madalas pag wala na ako mapanood sa t.v. eh yayayain ko lang sya magkwento ukol sa mg Hapon at presto, may instant libangan na ako. Kahit na minsan eh inuunahan ko na sya sa pagkwento sapagkat nasambit na nya yon ng dalawandaang beses.

Pagdating naman sa seryosong usapan eh idolo ko ang nanay ko. Kaya nga naniniwala ako sa balance of nature. Yong tatay ko magaling magpatawa habang nakukwento, ang nanay ko naman parang laging nananawagan sa Salamat Dok pag nakikipag-usap. ( Love u nanay!).

Nung bata pa ako, idolo ko si Panday. Ito rin ang dahilan kung bat nahilig ako sa pulang t-shirt at sando. Kaso natigil ito nung minsang may mang-asar sakin na para raw akong makopa pag nakapulang outfit. Idolo naman ng pamangkin ko ang mga stars ng WWE ( World Wrestling Entertainment). Lalo na sina Batista at John Cena.Mga wrestling superstars na animo’y ngumunguya ng dalandan pag umaakyat sa ring. Madalas nireresling ng pamangkin ko ang lahat ng makita nya. Upuan, stuffed toys, unan. Lahat. Nagmukha na ngang si Tazmanian Devil si Hello Kitty dahil sa pinaggagawa nya.

Sabi ng tatay ko noon habang abala sa paghiwa ng repolyo eh lahat daw tayo may idolo. Kahit na ano pa raw iyon, idolo pa rin yon. Pagkalipas ng limang taon bago ko naisip na tama pala ang tatay ko. Nung mga panahon kasi na yon eh hindi ko alam kung maniniwala ako sa tatay ko lalo nung mga panahon na nakausap ko sya eh abala sya sa paghiwa ng repolyo.

Lahat tayo may idolo. Kahit ano pa iyon. Masasabi ko na ang pagkakaroon ng idolo ay isang daan (one way hindi isandaang piso) para mapanatili ka sa tamang paroroonan. Sabi nila pareho lang kami ng tatay ko mag-isip. Pero sa tingin ko malawak ng di hamak ang kaisipan ng tatay ko. At sa bagay na iyan, nagpapasalamat ako. Dahil alam ko’ng habangbuhay ako’ng may tinitingalang idolo.

Nakakalungkot lang isipin na ang tinitingala mo na idolo kung minsan eh taliwas ang gawain sa tamang landas ng buhay. May kalaro ako dati nung bata pa ko. Idolo nya si Robinhood. Nangunguha sya ng paisa-isang mani sa palengke para ibigay samin. Kailangan nya raw tumulong sa mga nangangailangan. Ayos lang sana kaso tanghaling tapat, mani lang kakainin mo. Cheeseburger pwede pa. ( Burger ! Burger!).

Nabubuo ang idolo base sa makikitang ginagawa at pananaw ng isang tao sa maraming bagay. Wala namang masama sa pagkakaron nito. Maging mapili lang sana sa pagtanaw sa isang tao o pigura. At siguraduhing hindi ka ipapahamak nito

Sikreto


Sikreto

What is your favorite color?, Zodiac sign?, Who is your crush?. Familiar ba ang mga tanong na yan?. Tama!. Wala nang iba!. Ang napakabanal na slumbook, a.k.a. ang ugat ng mga sikreto. Kung ang unang hakbang sa pagbasa ay ang abakada, ang slumbook naman ang maituturing na sagradong libro ng sekreto sa elementarya at high school.

Nung high school pa ako, halos putaktihin ng slumbook ang room namin. Halos lahat may dala-dalang slumbook na animo’y pangunahing dahilan ng pagsigla nila sa klase. Merong magarbo ang disenyo, meron mukhang listahan lang ng pautang, meron namang parang libro ng mga alamat at meron namang pansiga para magbaga ang uling.

Ano pa man ang disenyo, isa lang ang tinutumbok ng slumbook- impormasyon. Impormasyon patungkol sa’yo at sa mga pinaggagagawa mo. Madalas akong mabiktima ng kamandag ng slumbook. Natatandaan ko pa iyong tanong na “ Who is your first kiss?”. Ang sagot ko mouth of coca cola. Nagalit iyong may-ari. Iyong sumunod,” What is your favorite part of the house?”. Sagot ko restroom. Nagalit na naman iyong may-ari. Sabi ko naman nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya nung minsan, ang nilalagay ko na lang na sagot sa mga tanong ay many, i don’t know at care ko. Pero ang exciting part ng slumbook na napansin ko ay ang tanong na “Who is your crush?”. Dito kasi nagkakatalo iyong mga umiibig at poporma pa lang. Nagkagirlfriend ako dahil sa tanong na yan. Iyong kaibigan ko naman, muntik magpasagasa sa truck nung malaman nya na ang crush ng liligawan pa lang nya eh iyong tatay nya. Meron ding muntik mabaliw matapos mabasa sa slumbook na “ Hindi tayo talo kapatid!”. Kilala ko iyon, kaya titigil na ako kasi malapit lang sya samin.

Napuna na rin ako minsan ng tatay ko kung ano ang slumbook sa buhay ko at paulit-ulit akong may dala-dala sa bahay namin pag-uwi. Sabi ko “ Pinapasagot lang po sakin ng mga kaklase ko”. Humirit naman ang tatay ko ng “ Eh di magreview kayo ng sama-sama, magbrainstorm kayo”. Naks, iba talaga magmahal ang magulang. Minsan nagpapatawa, hindi lang nila alam.

Hindi ko na malaman kung saan na nagsuot ang mga slumbook na sinagutan ko nun. Siguro iyong iba eh nasa bodega na lang, nasa cabinet o pinansunog na sa camping site nung minsang may nagcamping sa damuhan ng plaza namin. Totoo iyon, camping sa plaza. Pero napansin ko na hindi lahat ng nabanggit ko sa slumbook eh tumama. Sa pangkalahatan, naging sandigan ang slumbook sa pagtupad ng mga pangarap, pagkilala sa mas malalim na katauhan ng kaklase at kalayaan sa pagsigaw ng nararamdaman. Sana minsan, mapansin din ng Kagawaran ng Edukasyon na pwedeng panakot sa mga estudyante ang slumbook dahil sa mga sikretong nakapaloob dito.


P.S. Alam ko kung sino iyong J.T. na initials ng crush ng kaibigan ko noon. Lagot ka!.

Saturday, July 5, 2008

At nangyari na nga!


At nangyari na nga!

Mahimbing ang tulog ko ng gabing yun. Animo’y nasa palad mo ang hardin ng katahimikan at pumapanig sayo ang mensahe ng payapang gabi. Idagdag mo pa na katabi mo ang iyong minamahal sa iyong pagtulog. Kaygaan sa kalooban. Nang biglang may kung anong sumirit sa aking likuran habang nakahiga. Isang basang hindi mo malaman kung ano dahil madilim. Nang aking hagkan at mahimas- himas, nalaman kong dumi pala iyon galing sa tiyan. Nagdarasal na ako at umaasa na sana’y hindi magising ang aking mahal. Ngunit naglaho ang aking busilak na gabi nang sya’y magising sabay sabing “ Ano yun!?, Ang baho!”. At hind ko na maalala kung anong klaseng mukha meron ako nung mga panahong yun.

Embarrassing moments- a.k.a. kahihiyan o pinakapangit, pinakamasagwa, pinakamabaho, pinakanakakadiri na nangyari sa buhay mo na ayaw mo nang maalala. Marahil lahat satin ay nakaranas na nito. Kahit bagong panganak ka pa lang. Biruin mo pagkasilang mo pa lang eh nasinagan na nila agad ang iyong pag-aari na dapat eh ikaw ang unang makakaaninag.

Masyado talagang mahiwaga ang mundo. Maraming mga pangyayaring hindi malaman ang kasagutan. Gaya na lamang kapag ika’y napahiya. Ewan ko sa iba pero nung nangyari sakin yun, parang gusto ko nang maging sabon para malinisan ko ang nagawa ko. Kaso sadyang mapanghamon ang tadhana dahil nung nangyari sakin yun eh puro panlilibak ang inabot ko.

Kung sakaling malagay kayo sa ganitong kalagayan, narito ang ilan san mga subok nang paraan para makaisa sa kahihiyan:

Kapag nadapa, tumayo agad at sabihing “ Kaya nyo yun!?” Pag ginawa nila yung ginawa mo eh magsorry ka na lang.

Kapag nautot ka sa elevator eh magpatay malisya ka lang sabay kunin ang cellphone at kunwari’y magtetext ka. Pag naamoy nila ang iyong handog na kasamaan, wag na wag na ikaw ay unang magreact sapagkat 99.9% sure na ikaw ang titignan nilang may sala. Pag nagkaganun, aabot kayo hanggang korte suprema kakapaliwanag.


Kapag nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo at biglang lumubo ang iyong sipon sa harap nila ay magsabi lamang na “ Tumawa naman kayo!”. Pero alam mo na tatawanan ka nila, inunahan mo lang sila. Sabi nga nila, an early bird catches the worm.

Kapag ika’y natatae, wag na wag kang tatae sa labas ng bahay nyo dahil baka makita ka ng nagpapastol ng kambing, isipin eh binibigyan mo siya ng pataba. Pag ganito ang nangyari na taeng tae ka na at may tao sa banyo nyo eh kumuha ka maramimg litrato ng syota ng kapatid mo o wedding pictures ng mga magulang mo at isuksok sa may pinto sabay sabihin na” Hahayaan mo na lang ba na mabasa tong nga to o bubuksan nyo!”. Pag di naging epektibo, magpausok ka gamit ang mga lumang papel at ipagdasal na makatae ka muna bago masunog ang bahay nyo. ( Kids don’t try this at home, ang gumaya eh magiging isdang may arthritis!).


Pag ikaw ay pumiyok habang kausap ang crush mo ay sabihin ang ganito ” Kaya ko magdual voice eh pero pag katabi kita eh nawawala pa minsan ang boses ko”. Manalangin ka na lang na sana ay hindi sya makahalata na nambobola ka lang dahil kung ganun ay kakalat hanggang sa internet ang mangyayari sayo.

Ilan lang yan sa mga proven at effective na paraan para mailusot ang sarili mo sa kahihiyan. Nawa’y makatulong ito sa’yo pagdating ng panahon( Sabay awit ng kanta ni Aiza Seguerra…).