Monday, July 7, 2008

Pagtatanim


Pagtatanim

Requirements sa school namin noon na dapat magkaroon kami ng mga tanim na mapapakinabangan. Hinati kami ng aming guro sa maraming pangkat na binubuo ng tig-dalawang myembro. Si Michael ang napunta sakin. Maayos naman ang teamwork namin. Napagkasunduan namin na kamatis ang itatanim namin imbes na repolyo dahil sa paniniwala nya noon na nakakagoiter ang pagkain ng repolyo. Buong puso ko namang tinanggap ang kanyang payo sa kadahilanang ang aking interes sa mga pananim ay kasing liit lang ng muta ng kuto. Syangapala, ang pamagat ng parte ng librong ito ay pinamagatang “ Isang linggong ewan”.

Unang araw. Pinadala ako ni Michael ng balde, tabo at piko. Sabi ko sa nanay ko, bagong project namin ay pagtatanim. Bilang magiting na ina, binaunan nya ako ng limang pandekoko at tubig. Nung nasa site na kami, hindi ko mawari kung anong klaseng mga living things ang tumitira dun at mistulang ginyera ng batalyong surot ang lugar. Ang gulo, ang daming talahib, ang daming tae ng kalabaw at baka, ang daming lamok, ang dami…., ang dami…., ang dami….!!!!!.... Magaling talagang magplano si Michael kasi ang dala nya nun ay mga buto ng kamatis at kutsilyo na di pa ako sigurado kung breadknife o ano. Nairaos pa rin namin ang kalbaryong iyon at umuwi kami bago magdapit-hapon. Muntik pa ako malapa ng aso namin at mataihan ng ibon dahil sa konting ayos na lang eh kamukha ko na si Saddam Hussein sa dumi.

Pangalawang araw. Nagsimula na naming itanim ang mga punla sabay kausap ni Michael sa mga buto na parang may buhay. Habang ginagawa nya ito, abala naman ako sa paglalaro ng gameboy. Sabi ni Michael dapat daw kinakausap ang mga pananim. Sabi ko naman level 5 na yong pokemon ko.

Pangatlo at pang-apat na araw. Hindi ko pa rin alam ang ginagawa ko sa proyektong ito. Nakikiride on lang ako kay Michael sa pinaggagawa nya. Bad trip pa. nung araw na yon kasi nawalan ng battery ang gameboy ko. Ang naging papel ko lang ata sa mga araw na to eh ipagmalaki kay Michael na nauna ang itlog sa manok( kung gusto nyo ng kulitang usapan, try nyo yong argumento tungkol sa kung sino nauna, itlog o manok).

Panlimang araw. Nakikita na namin ang pinagpaguran namin kahit papano( para namang may ginawa ako). Hehe.

Pang-anim na araw. Nagalit si Michael. Wala raw ako naitutulong kundi magkwento. Sabi ko di na ako magkukwento, sasayaw na lang. Ewan ko pero di nya ako pinansin nun. Tumulong na rin ako kasi parang magiging siling labuyo na si Michael pag di pa ako kumilos. Sa puntong ito, halos abot na namin ang aming pakay sa pagtatanim.

Pangpitong araw. Binawi ng school ang plano at sa halip gumawa na lang daw kami ng proyekto patungkol sa paggagansilyo.

The end. Ewan ko kung anong klaseng trauma ang hinatid nito kay Michael. Ang balita ko nag “cry in the rain” sya habang kami naman eh abala na sa paghigop ng mainit na sopas.

No comments: