Monday, July 7, 2008

Pagtatanim


Pagtatanim

Requirements sa school namin noon na dapat magkaroon kami ng mga tanim na mapapakinabangan. Hinati kami ng aming guro sa maraming pangkat na binubuo ng tig-dalawang myembro. Si Michael ang napunta sakin. Maayos naman ang teamwork namin. Napagkasunduan namin na kamatis ang itatanim namin imbes na repolyo dahil sa paniniwala nya noon na nakakagoiter ang pagkain ng repolyo. Buong puso ko namang tinanggap ang kanyang payo sa kadahilanang ang aking interes sa mga pananim ay kasing liit lang ng muta ng kuto. Syangapala, ang pamagat ng parte ng librong ito ay pinamagatang “ Isang linggong ewan”.

Unang araw. Pinadala ako ni Michael ng balde, tabo at piko. Sabi ko sa nanay ko, bagong project namin ay pagtatanim. Bilang magiting na ina, binaunan nya ako ng limang pandekoko at tubig. Nung nasa site na kami, hindi ko mawari kung anong klaseng mga living things ang tumitira dun at mistulang ginyera ng batalyong surot ang lugar. Ang gulo, ang daming talahib, ang daming tae ng kalabaw at baka, ang daming lamok, ang dami…., ang dami…., ang dami….!!!!!.... Magaling talagang magplano si Michael kasi ang dala nya nun ay mga buto ng kamatis at kutsilyo na di pa ako sigurado kung breadknife o ano. Nairaos pa rin namin ang kalbaryong iyon at umuwi kami bago magdapit-hapon. Muntik pa ako malapa ng aso namin at mataihan ng ibon dahil sa konting ayos na lang eh kamukha ko na si Saddam Hussein sa dumi.

Pangalawang araw. Nagsimula na naming itanim ang mga punla sabay kausap ni Michael sa mga buto na parang may buhay. Habang ginagawa nya ito, abala naman ako sa paglalaro ng gameboy. Sabi ni Michael dapat daw kinakausap ang mga pananim. Sabi ko naman level 5 na yong pokemon ko.

Pangatlo at pang-apat na araw. Hindi ko pa rin alam ang ginagawa ko sa proyektong ito. Nakikiride on lang ako kay Michael sa pinaggagawa nya. Bad trip pa. nung araw na yon kasi nawalan ng battery ang gameboy ko. Ang naging papel ko lang ata sa mga araw na to eh ipagmalaki kay Michael na nauna ang itlog sa manok( kung gusto nyo ng kulitang usapan, try nyo yong argumento tungkol sa kung sino nauna, itlog o manok).

Panlimang araw. Nakikita na namin ang pinagpaguran namin kahit papano( para namang may ginawa ako). Hehe.

Pang-anim na araw. Nagalit si Michael. Wala raw ako naitutulong kundi magkwento. Sabi ko di na ako magkukwento, sasayaw na lang. Ewan ko pero di nya ako pinansin nun. Tumulong na rin ako kasi parang magiging siling labuyo na si Michael pag di pa ako kumilos. Sa puntong ito, halos abot na namin ang aming pakay sa pagtatanim.

Pangpitong araw. Binawi ng school ang plano at sa halip gumawa na lang daw kami ng proyekto patungkol sa paggagansilyo.

The end. Ewan ko kung anong klaseng trauma ang hinatid nito kay Michael. Ang balita ko nag “cry in the rain” sya habang kami naman eh abala na sa paghigop ng mainit na sopas.

Chess


Chess

Kelan lang eh nalaman ko na meron pala akong kakayahan sa larangan ng chess. Ito’y matapos kong talunin sa isang labanan ang siyam na taong gulang kong pamangkin. Matatawag ngang tagumpay ang pakikipagtunggaling iyon pero parang may mali. Sana’y malaman ko pagkatapos kong maghugas ng plato.

Sabi nila, ang chess daw ang laro ng mga matatalino. Isa rin itong paraan para mahimas mo ng maigi ang iyong baba. Kung may balak kang sundan ang postura ni Ninoy sa limandaang piso eh sa palagay ko dapat maglaro ka nito.

Ang chess siguro ang isa sa mga pinakaboring na libangang matatawag. Ngunti isa rin ito sa mga pinakasubok at simpleng paraan para malibang ang isang tao. Kapag nakapaloob ka sa larong ito eh dapat mong ihiwalay ang problema mo sa buhay at sinaing nyo sa bahay. Isa lang dapat ang sentro ng iyong kaisipan- at ito ay ang manalo at kung minsan para makuha ang taya. Oo, pati ang pera ay nasakop na rin ang mundo ng chess.Hindi ko talaga sukat akalain na ang talino ng tao ay dapat pa rin malapatan ng salapi.

Minsan nagawi ako sa isa sa mga parke ng Baguio. May kumpulan ng tao doon na nakatawag ng aking pansin. Naglalaro sila ng chess at nakalapag naman ang pera nilang pusta sa bandang gilid ng chessboard. Sabi ko sa sarili ko, mainam yan para kumita pero nawala ata ang pakay ng chess sa tao. Ewan ko kung namamaligno lang ako nung mga panahong yun.

Sa paglagpas ko sa parkeng yun ay andun pa rin sila. Siguro hanggang sa mawala ang dilim ay dun pa lang sila titigil. Nakakapanghinayang lang dahil nalimitahan ng pera ang tadhana ng kanilang buhay.

Magulo pa rin hanggang sa ngayon sa isip ko kung bakit dapat magkaroon ng pustahan. Pero di nga naman sila pwedeng basta na lang pakialamanan. Opinion lang siguro sa ngayon ang dapat idampi sa kanila. Sa paggising ko sana mahimasmasan ang Pilipinas sa sinulat kong ito.

Idolo


Idolo

Idolo ko ang tatay ko sa maraming bagay. Lalo na sa kwentuhan. Kung ikaw yong tipong bored na bored na, nakapaglaba at namalengke eh di mo pa alam ang gusto mong gawin at nakapasyal ka na sa Nepal eh bored ka pa, malamang na ang tatay ko nga ang hinahanap mo.

Sa tatay ko nalaman ang kalagiman ng World War II. Madalas pag wala na ako mapanood sa t.v. eh yayayain ko lang sya magkwento ukol sa mg Hapon at presto, may instant libangan na ako. Kahit na minsan eh inuunahan ko na sya sa pagkwento sapagkat nasambit na nya yon ng dalawandaang beses.

Pagdating naman sa seryosong usapan eh idolo ko ang nanay ko. Kaya nga naniniwala ako sa balance of nature. Yong tatay ko magaling magpatawa habang nakukwento, ang nanay ko naman parang laging nananawagan sa Salamat Dok pag nakikipag-usap. ( Love u nanay!).

Nung bata pa ako, idolo ko si Panday. Ito rin ang dahilan kung bat nahilig ako sa pulang t-shirt at sando. Kaso natigil ito nung minsang may mang-asar sakin na para raw akong makopa pag nakapulang outfit. Idolo naman ng pamangkin ko ang mga stars ng WWE ( World Wrestling Entertainment). Lalo na sina Batista at John Cena.Mga wrestling superstars na animo’y ngumunguya ng dalandan pag umaakyat sa ring. Madalas nireresling ng pamangkin ko ang lahat ng makita nya. Upuan, stuffed toys, unan. Lahat. Nagmukha na ngang si Tazmanian Devil si Hello Kitty dahil sa pinaggagawa nya.

Sabi ng tatay ko noon habang abala sa paghiwa ng repolyo eh lahat daw tayo may idolo. Kahit na ano pa raw iyon, idolo pa rin yon. Pagkalipas ng limang taon bago ko naisip na tama pala ang tatay ko. Nung mga panahon kasi na yon eh hindi ko alam kung maniniwala ako sa tatay ko lalo nung mga panahon na nakausap ko sya eh abala sya sa paghiwa ng repolyo.

Lahat tayo may idolo. Kahit ano pa iyon. Masasabi ko na ang pagkakaroon ng idolo ay isang daan (one way hindi isandaang piso) para mapanatili ka sa tamang paroroonan. Sabi nila pareho lang kami ng tatay ko mag-isip. Pero sa tingin ko malawak ng di hamak ang kaisipan ng tatay ko. At sa bagay na iyan, nagpapasalamat ako. Dahil alam ko’ng habangbuhay ako’ng may tinitingalang idolo.

Nakakalungkot lang isipin na ang tinitingala mo na idolo kung minsan eh taliwas ang gawain sa tamang landas ng buhay. May kalaro ako dati nung bata pa ko. Idolo nya si Robinhood. Nangunguha sya ng paisa-isang mani sa palengke para ibigay samin. Kailangan nya raw tumulong sa mga nangangailangan. Ayos lang sana kaso tanghaling tapat, mani lang kakainin mo. Cheeseburger pwede pa. ( Burger ! Burger!).

Nabubuo ang idolo base sa makikitang ginagawa at pananaw ng isang tao sa maraming bagay. Wala namang masama sa pagkakaron nito. Maging mapili lang sana sa pagtanaw sa isang tao o pigura. At siguraduhing hindi ka ipapahamak nito

Sikreto


Sikreto

What is your favorite color?, Zodiac sign?, Who is your crush?. Familiar ba ang mga tanong na yan?. Tama!. Wala nang iba!. Ang napakabanal na slumbook, a.k.a. ang ugat ng mga sikreto. Kung ang unang hakbang sa pagbasa ay ang abakada, ang slumbook naman ang maituturing na sagradong libro ng sekreto sa elementarya at high school.

Nung high school pa ako, halos putaktihin ng slumbook ang room namin. Halos lahat may dala-dalang slumbook na animo’y pangunahing dahilan ng pagsigla nila sa klase. Merong magarbo ang disenyo, meron mukhang listahan lang ng pautang, meron namang parang libro ng mga alamat at meron namang pansiga para magbaga ang uling.

Ano pa man ang disenyo, isa lang ang tinutumbok ng slumbook- impormasyon. Impormasyon patungkol sa’yo at sa mga pinaggagagawa mo. Madalas akong mabiktima ng kamandag ng slumbook. Natatandaan ko pa iyong tanong na “ Who is your first kiss?”. Ang sagot ko mouth of coca cola. Nagalit iyong may-ari. Iyong sumunod,” What is your favorite part of the house?”. Sagot ko restroom. Nagalit na naman iyong may-ari. Sabi ko naman nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya nung minsan, ang nilalagay ko na lang na sagot sa mga tanong ay many, i don’t know at care ko. Pero ang exciting part ng slumbook na napansin ko ay ang tanong na “Who is your crush?”. Dito kasi nagkakatalo iyong mga umiibig at poporma pa lang. Nagkagirlfriend ako dahil sa tanong na yan. Iyong kaibigan ko naman, muntik magpasagasa sa truck nung malaman nya na ang crush ng liligawan pa lang nya eh iyong tatay nya. Meron ding muntik mabaliw matapos mabasa sa slumbook na “ Hindi tayo talo kapatid!”. Kilala ko iyon, kaya titigil na ako kasi malapit lang sya samin.

Napuna na rin ako minsan ng tatay ko kung ano ang slumbook sa buhay ko at paulit-ulit akong may dala-dala sa bahay namin pag-uwi. Sabi ko “ Pinapasagot lang po sakin ng mga kaklase ko”. Humirit naman ang tatay ko ng “ Eh di magreview kayo ng sama-sama, magbrainstorm kayo”. Naks, iba talaga magmahal ang magulang. Minsan nagpapatawa, hindi lang nila alam.

Hindi ko na malaman kung saan na nagsuot ang mga slumbook na sinagutan ko nun. Siguro iyong iba eh nasa bodega na lang, nasa cabinet o pinansunog na sa camping site nung minsang may nagcamping sa damuhan ng plaza namin. Totoo iyon, camping sa plaza. Pero napansin ko na hindi lahat ng nabanggit ko sa slumbook eh tumama. Sa pangkalahatan, naging sandigan ang slumbook sa pagtupad ng mga pangarap, pagkilala sa mas malalim na katauhan ng kaklase at kalayaan sa pagsigaw ng nararamdaman. Sana minsan, mapansin din ng Kagawaran ng Edukasyon na pwedeng panakot sa mga estudyante ang slumbook dahil sa mga sikretong nakapaloob dito.


P.S. Alam ko kung sino iyong J.T. na initials ng crush ng kaibigan ko noon. Lagot ka!.

Saturday, July 5, 2008

At nangyari na nga!


At nangyari na nga!

Mahimbing ang tulog ko ng gabing yun. Animo’y nasa palad mo ang hardin ng katahimikan at pumapanig sayo ang mensahe ng payapang gabi. Idagdag mo pa na katabi mo ang iyong minamahal sa iyong pagtulog. Kaygaan sa kalooban. Nang biglang may kung anong sumirit sa aking likuran habang nakahiga. Isang basang hindi mo malaman kung ano dahil madilim. Nang aking hagkan at mahimas- himas, nalaman kong dumi pala iyon galing sa tiyan. Nagdarasal na ako at umaasa na sana’y hindi magising ang aking mahal. Ngunit naglaho ang aking busilak na gabi nang sya’y magising sabay sabing “ Ano yun!?, Ang baho!”. At hind ko na maalala kung anong klaseng mukha meron ako nung mga panahong yun.

Embarrassing moments- a.k.a. kahihiyan o pinakapangit, pinakamasagwa, pinakamabaho, pinakanakakadiri na nangyari sa buhay mo na ayaw mo nang maalala. Marahil lahat satin ay nakaranas na nito. Kahit bagong panganak ka pa lang. Biruin mo pagkasilang mo pa lang eh nasinagan na nila agad ang iyong pag-aari na dapat eh ikaw ang unang makakaaninag.

Masyado talagang mahiwaga ang mundo. Maraming mga pangyayaring hindi malaman ang kasagutan. Gaya na lamang kapag ika’y napahiya. Ewan ko sa iba pero nung nangyari sakin yun, parang gusto ko nang maging sabon para malinisan ko ang nagawa ko. Kaso sadyang mapanghamon ang tadhana dahil nung nangyari sakin yun eh puro panlilibak ang inabot ko.

Kung sakaling malagay kayo sa ganitong kalagayan, narito ang ilan san mga subok nang paraan para makaisa sa kahihiyan:

Kapag nadapa, tumayo agad at sabihing “ Kaya nyo yun!?” Pag ginawa nila yung ginawa mo eh magsorry ka na lang.

Kapag nautot ka sa elevator eh magpatay malisya ka lang sabay kunin ang cellphone at kunwari’y magtetext ka. Pag naamoy nila ang iyong handog na kasamaan, wag na wag na ikaw ay unang magreact sapagkat 99.9% sure na ikaw ang titignan nilang may sala. Pag nagkaganun, aabot kayo hanggang korte suprema kakapaliwanag.


Kapag nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo at biglang lumubo ang iyong sipon sa harap nila ay magsabi lamang na “ Tumawa naman kayo!”. Pero alam mo na tatawanan ka nila, inunahan mo lang sila. Sabi nga nila, an early bird catches the worm.

Kapag ika’y natatae, wag na wag kang tatae sa labas ng bahay nyo dahil baka makita ka ng nagpapastol ng kambing, isipin eh binibigyan mo siya ng pataba. Pag ganito ang nangyari na taeng tae ka na at may tao sa banyo nyo eh kumuha ka maramimg litrato ng syota ng kapatid mo o wedding pictures ng mga magulang mo at isuksok sa may pinto sabay sabihin na” Hahayaan mo na lang ba na mabasa tong nga to o bubuksan nyo!”. Pag di naging epektibo, magpausok ka gamit ang mga lumang papel at ipagdasal na makatae ka muna bago masunog ang bahay nyo. ( Kids don’t try this at home, ang gumaya eh magiging isdang may arthritis!).


Pag ikaw ay pumiyok habang kausap ang crush mo ay sabihin ang ganito ” Kaya ko magdual voice eh pero pag katabi kita eh nawawala pa minsan ang boses ko”. Manalangin ka na lang na sana ay hindi sya makahalata na nambobola ka lang dahil kung ganun ay kakalat hanggang sa internet ang mangyayari sayo.

Ilan lang yan sa mga proven at effective na paraan para mailusot ang sarili mo sa kahihiyan. Nawa’y makatulong ito sa’yo pagdating ng panahon( Sabay awit ng kanta ni Aiza Seguerra…).

Para kay Hazel.


Para kay Hazel.

Natanong minsan ng kaibigan ko habang ngumunguya sya ng bubble gum kung ano ang gagawin ko kung sagutin ako ng nililigawan ko sa isang panahong di ko inaasahan (halimbawa habang lumilindol o kaya tumatae ako), ano kaya ang reaction ko, hihinga pa ba ako? O gagawa ng munting rally sa EDSA?. Nagitla rin ako sa tanong nya na yon, pano nga ba?.Inlove ako ngayon kay Hazel. Nagtatae ang ballpen ko pero nasa kaya ngayon ang pagsusulatan ko.

Siguro mapapamura ako kung sakaling sagutin nya ako pagkatapos mananahimik. Hindi kasi maipaliwanag ang isang damdaming saklob ng pag-ibig sa kasalukuyan. Madaming mga werdong bagay. Gaya na lang na kahit bumili ka lang ng repolyo sa palengke eh naiisip mo sya. Yon bang tipong naka “high” ka… Natanong ko na rin ang tatay ko tungkol sa kung anong ginawa nya nung sinagot sya ng nanay ko. Ang sabi nya “ lumundag ako nun sabay hingi ng halik!”. Kung sabagay, iba-iba talaga ang nangyayri pag sinagot ka ng nililigawan mo. Yong kaibigan ko nga nung nanliligaw eh sobrang pagod ang binuhos nya. Pero nung naging sila eh mas gugustuhin mo pang sumama na lang sa mga prayer rally dahil sa hindi sya nagsasalita pag kasama na nya ang babaeng pinagbuhusan nya ng panahon.

Wala akong kasiguruhan kung sasagutin nga ako ni Hazel. Pawang mga palipad lang sa hangin sa ngayon ang mga pangarap ko para sa kanya. Pero sa ganitong aspeto sa palagay ko eh humanga ako sa sarili ko. Ang mga nararamdaman ko sa kanya eh hindi ko lang pinapakita sa pisikal na estado ( hindi yong iniisip mo!), kundi nailalapat ko rin sa papel na nagsusumigaw ng kanyang pangalan.

Kakaiba talaga pag inlove ang isang manunulat. Nakasentro man ang kanyang kamay sa papel pero ang kanyang kaisipan ay nagsusumigaw na malapatan ang kanyang minamahal ng isang obra na mistulang representsyon ng kanyang busilak na pagmamahal( kung gusto mo mapraning eh ipagpatuloy mo lang ang yong pagbabasa).

Natanong minsan ng nanay ko kung ano ang ginagawa ko sa bintana at isang oras na akong tulala. Ang sabi ko “ nagtratrabaho po ako inay”. Ngayon, nakita ko ang sarili ko sa salamin na tumatawa. Lumapit ang nanay ko sabay banat na” nagtratrabaho ka ba anak?”. Sabi ko” hindi po baliw na ata ako”. Sabay alis na ng nanay ko para magprito ng talong. Pero kita ko ang ngiti sa nanay ko. Alam nyang inlove ako pero hindi baliw. Ang di nya alam baliw ako, inlove nga lang.

Saan man patungo ang daan na sa kasalukuyan eh hawak ni Hazel, nagpapasalamat ako sa kanya na nabigyan ng alas ang baraha ng pag-ibig ko.( wag ka mag- alala patapos na itong kakornihan na to). Isa lang ang masasabi ko sa ngayon… “kayang ibigay ng isang manunulat ang kanyang tinta para umagos ng maayos ang ilog ng kanyang minamahal”. Naks… Panalangin sa Birheng Milagrosa” Sana po hindi nila napansin na nambobola lang ako “.

Halik


Halik

Napagtanto mo na ba minsan sa isang gabi ng iyong pagmumuni-muni kung ano ang halik sa buhay mo?. Ako hindi. Rekwes lang itong masterpiece na to ng aking nililigawan. Magsualt daw ako tungkol sa halik. Ewan ko kung nakainom sya ng gaas nung mga panahong yon pero napaisip na rin ako at eto nga, nakakulong ako ngayon sa aking silid para makagawa ng artikulo na magiging pambato( entry, hindi bato- rock) ko sa Nobel Peace Prize.

Naalala ko nung una akong makahalik at mahalikan. Akala ko mabubuntis yong babae. Ewan ko kung sinong praning ang nagpauso na pag hinalikan mo ang babae eh mabubuntis. Balik sa kwento. Halos gabi-gabi akong dinalaw ng pangamba na baka nga mabuntis yong hinalikan ko. Kaso nawala ang pangambang yon ng manood ng bold ang tatay ko kasama ang mga kapitbahay namin na um, natuyot na. Kitang-kita ng mga mata ko( na kunwari’y naglalaro ako ng gameboy) ang mga pangyayari. Ganito un, pumasok sa kwarto yong lalake tapos nilapitan yong babae tpos @&*!!@^%.....!!!!... Ganun. Kung di mo gets eh humihingi ako ng tawad. Pang Nobel Peace Prize kasi ito.

Balik sa halik. May mga halik na hindi pangkaraniwan. Beso-beso ang tawag kung umpugan ng pisngi ang trip mo. Ito ay ginagawa ng mga magkakakilala o ginagawa sa mga social gatherings tulad ng Pistang Patay at Mahal na Araw. Nung una akong makipagbeso-beso, halik talaga sa pingi ang ginawa ko. Di naman nagalit yong babae kaya inulit ko. Kaya ayon, ang sambit “bastos!”. Moral lesson- wag makipagbeso- beso ng dalawang ulit.

Meron ding tinatawag na nakaw na halik. Ito ang uso nung high school ako. Yong mga kaibigan ko ang nagpakalat nito. Ang modus operandi- may ipapakitang puno ng niyog ang mga kaibigan ko( di ko alam kung bakit niyog ang paborito naming ipakita, nagtataka talaga ako hanggang ngayon). Pag tumingin yong babae, hahalik sabay takbo ang may pakana. Kiss and run ang tawag namin dito. Pero kalaunan, nalaos din ito dahil sa ang kaya na lang naming bolahin eh pitong buwang gulang na bata. Kaya umisip kami ng paraan. Ang naisip ko- magpakasenti. Kunwari’y pasan ko ang daigdig at kailangan ko ng matinding kalinga. Naging epektibo kaso nalaos din kalaunan. Hanggang sa tumalikod na kami sa masamang gawain.

Sa ngayon may nahalikan ako.Ewan ko pero unang beses ko talagang pumikit. Peksman. Nakaramdam ako ng lamig, respeto at ano ba un, um, yong parang kumukutitap ang iyong paligid. Basta ganun. Eto yata yong narinig ko minsan sa pelikula- halik na may sipa. Ewan kung matindi lang ang pangangailangan sa halik nung nagsabi nun pero sa tingin ko eh totoo naman.

Patulog na ako habang sinusulat ito matapos namnamin ang halik na iyon. Siguro sa likod ng halik ay may nakatagong mensahe para ngumiti at magmukhang kamukha ng smiley logo ang isang tao. Napapangisi ako ngayon. Siguro ay gumagana na ang gayuma ng halik. Iba talaga pag may mahal. Iba ang halik ng pagmamahal.

Pagbabasa…


Pagbabasa…

“ Hindi ako kailanman bibili ng dyaryo unless sinabi ng instrurctor ko…”. Wag mo nang isipin kung sinong artista o pulitiko ang nagsabi nyan. Uunahan na kita, ka-boardmate ko ang nagsabi nyan nung makita nya akong bumili ng dyaryo( hindi yong paborito mong bastos na tabloid!). Baka kasi mapraning ka sa kakaisip at maging dahilan pa para mag-amok ka at magpalaganap ng kudeta. Pabiro ang pagkakasabi ng ka-boardmate ko na yon pero pumukol pa rin sakin ang kanyang mensahe. Nagkaroon ng peklat, lumabas bilang tattoo, at umusbong bilang sebo sa aking kaisipan.

Oo nga naman, malaking kasalanan na ata ngayon ang mapalagpas ang mga teleserye sa T.V. o di kaya’y masulyapan ang mga taong ikinulong sa isang bahay at ginawang utusan ng isang boses dahil lamang sa nagbabasa ka ng El Filibusterismo at Bible. Hindi nga naman makatwiran ngayon na nagbabasa ka ng opinyon ng mga kabataan at mga bagong trends sa paggamot sa may sakit samantalang nasa noontime show na pala ang paborito mong artista suot ang kanyang Purefoods shoes, Mang Tomas make-up at Mang Inasal shades sabay hello kay Ning- Ning, Kat-Kat, Pot-Pot, at Ting-Ting.

Masarap na libangan ang pagbabasa, libre pa. Walang bookstore samin nung bata pa ako kaya pag nagpapagupit ako eh kumukuha ako ng magasin at nagbabasa habang nag-aantay na magupitan ako. Minsan nagpapahuli ako pag nagustuhan ko yong binabasa ko. Paborito kong basahin eh yong section patungkol sa mga pagkain. Bukod kasi sa makulay eh magaganda pa ang mga chef. Kaya gusting-gusto ko pag nagpapagupit ako. Kaso kalaunan eh nawala na ang mga magasin na yon. Ewan ko kung nanenok o pinanggatong na.

Ugali ko talaga ang magbasa. Nung nasa Baguio ako eh madalas akong sitahin ng guard na pinangalanan kong Max Alvarado dahil sa hindi sya nagsusuklay at kasinghaba ng paa nya ang bigote nya. Malugod naman akong sumusunod pag pinagbabawalan nya ako dahil sa nakikita ko sa mga mata nya na kaya nyang gawing bulalo ang bahay nyo pag nagalit sya. Wala naman akong kahilig-hilig magpunta sa library dahil sa tatlong rason. Una, nakakaantok. Pangalawa, bawal mag-ingay kahit na sobrang nakakatawa o nakakadiri na ang binabasa mo. Pangatlo, wala pa akong nakitang librarian na hindi nangangain ng tao. Parang pag nakita mo sila eh kulang na lang eh sabihin nila na “ may cancer ako, ginahasa ang anak ko at ang asawa ko ay may kalaguyo”.

Ang pagbabasa ay isang napakasagradong gawain. Hindi dapat kailanman itapon ang kasarinlan sa paggamit nito. Binigyan tayo ng biyaya ng Maykapal para makita ang opinyon ng iba sa lahat ng aspeto sa pagbabasa, panonood at pakikinig man. Hindi dapat ipawalang bahala ang pagbabasa dahil sa nakakaubos ito ng respeto sa sarili sapagkat nagiging mangmang ka sa ilalim ng iyong pagkatao. Parang pagkain din ang pagbabasa- kailangan mo ng tubig para di ka mabulunan.
hasEML = false;

Pasukan… Tinginan..


Pasukan… Tinginan..

Pasukan na pala ng mga estudyante ngayon. Panahon ng paghubog, pag-organisa ng mga pangarap at pagharap sa hamon ng buhay eskwela. Nakakalungkot minsang isipin na may mga estudyanteng parang bibili lang ng taho kung pumasok sa eskwelahan dahil sa parating absent o kung present man eh iniisip na ang mga gagawin pagkatapos ng klase. Siguro kung maiisip lang ng mga estudyante na napakaimportante ng pagpasok sa apat na sulok ng paaralan eh magiging maganda ang pasok ng pera. Isipin mo, dalawang dekada ka lang mag-aaral( kabilang na ang mga panahon na bumagsak ka, nakirambol, kumain ng lugaw, naglaro ng holen, nagsunog ng tanso at nagpasabog ng kwitis) eh ang kapalit naman eh mas malinaw na bukas. Kesa naman masayang ang walong dekada ng buhay mo sa wala dahil sa hindi ka nagseryoso sa pag-aaral at hindi nagpass ng essays patungkol sa “ What you did last summer?” at “ Why I love my parents?”. Kung maiisip lang sana ng mga estudyante eh magiging maganda talaga ang pasok ng pera.

Naalala ko nung unang salta ko sa kolehiyo. Nasa unang row ako ng upuan. Ewan ko kung namamaligno lang ako nung nga panahong yon pero walang gustong tumabi sakin. Tatlong araw nang nakalipas eh ayaw talaga nilang makiupo sakin. Kaya nug pagkatapos ng klase eh tinawagan ko ang ate ko. Sabi ko “ Ate bat ganun, 3 days na eh alang tumatabi sakin!?”. Ang sambit ng magiting kong kapatid “ Baka abnormal ka!?”. Binabaan ko sya ng telepono. Napaupo ako sa may sulok, malapit sa c.r.. Napagkamalan pa akong mamboboso. Katwiran ko naman eh nagsesenti lang. Ewan ko kung napaniwala ko sila. Hanggang sa lapitan ako ni Carla ( ang magiting kong kaibigan na bigla na lang nawala hanggang sa ngayon pagkatapos naming mag-usap sa library). Sabi nya “ Mag-isa ka lang?”. Ang sabi ko “ Oo eh”, sabay halik. Pero pauso ko lang yon. Doon ko nalaman sa kanya na kaya pala walang gustong tumabi sakin eh artistahin ako. Pauso ko ulit yon. Suplado raw kasi yong pagmumukha ko. Yon ang first impression nila sakin. Natawa ako. Ang buong akala ko eh asiwa sila sakin kasi ako ang pinakagwapo sa mga lalake. Pauso na naman. Ang totoo, ang alam ko eh kaya ala talagang lumalapit sakin eh stranger ako, taga Mars, at kumakain ng itlog na pula sabay sawsaw sa patis. Umalis rin sya pagkatapos nun. Pero masaya ako kasi nalaman ko na ang dahilan at hindi ko na kailangan pang pumunta sa Imbestigador o sa Kapuso Foundation para malinawan ako. Kaya kinabukasan, todo ngisi ako sa mga kaklase ko na parang kumakandidato.

First impressions last. Nabiktima ako nyan at sa panong paraan eh ulitin mo ulit ang pagbabasa sa itaas. Sa ibang aspeto eh totoo ang kasabihang ito. Pero para sakin , nasa desisyon na yan ng tao patungkol sa kung gusto mong manatili ang ganoong mga pananaw sa kanyang pagkatao. Tunggalian ng kaisipan, desisyon at pangyayari. Nag-ekspirimento ako minsan patungkol sa kasabihang ito. Nung may bago pa akong ka-roommate, imahe ng isang suplado at aktibista ang ipinakita ko. Ayon, pagkatapos ng dalawang lingo eh nag-alsabalutan na. Minsan maganda ang manghusga pero mas maganda kung pumasok ka mismo sa pagkatao ng taong yon.

Ang kanal


Ang kanal… Bow!

Limang buwan na rin ang nakalipas buhat nung huling uwi ko samin. Kailangang umuwi dahil tapos na ang semester. Sayang ang ilalagi ko dito sa Baguio dahil sa pagmamasid ko sa aking sarili, ay ilang araw na rin akong nagbibilang ng tupa dito sa apat na sulok ng kwarto ko. Next stop: babaan ng bus. Sinabihan ko ang kapatid ko na sunduin nya ako at maluwalhati naman syang tumugon. Ang sesti, hindi ko naisip na matino syang kausap ng mga oras na yun o nakakain ng maraming vetsin dahilan upang magwala ang isip at kumain ng sipit ng sampayan. Nung dumating na ako sa babaan, nakita ko ang tatay ko… nakabisikleta. Ayos! Nagmukha akong tatakbong kagawad ng barangay ng mga oras na yun. Tinginan sakin ang nga tao na parang bang may sinusuring malaking libag saking katawan. Pero maluwalhati naman ako na nakarating samin.

Ewan ko ba kasi pag sa probinsya, parang ang ikli ng buhay ngunit mayaman sa kwento at imahinasyon ang mga tao. Halimbawa: “ Uy mare kumusta na ang pagdidilig mo ng halaman kahapon, masaya ba?”, “ Uy pare ba’t nga pala nawala ang kinain mong kakanin kanina, siguro kinuha ng multo”?. Mga tipikal na aspeto ng buhay ang nakapaloob sa kanila araw-araw. Aakalain mo na ito na ang sagot sa global warming.

Pagdating ko samin, wala pa rin nagbago maliban na lang sa pagtanda ng lugar at pag-iwan ng panahon. Napansin ko ang kanal samin. Humupa na ang tubig na dumadaloy dito, napuno na ng basura ang minsang daanan patungo sa kalininsan. Bakas sa kanal ang isang pangarap na minsa’y iginuhit ng semento sa kanila pero ngayon ay nagmukha na itong nitso na para kumintab ulit ay kailangan pinturahan.

Di matanggal ang kalungkutan sa isip ko nung nga panahong yun. Ba’t ba may mga bagay na dapat mawalan ng silbi para lang sa kaligayahan ng iba… Gaya ngayon, na ang pinagsasabi ko dito ay tungkol sa kanal… Marahil ay nasayang ang ilang minuto ng buhay mo kakabasa nito samantalang nasusunog na pala ang sinaing mo o di kaya’y nawalan na ng tubig ang nilulto mong sinigang.. Pero naasar ka man sa sinabi ko o hindi, nakornihan ka man o nasuka, nangayayat ka man o napundi ang mata, ang importante naapektuhan ka sa sinabi ko.

Masarap ngunit malungkot harapin ang katotohan na ang pagliban sa isang tungkulin ay may epekto sa iniwanan mo. Makakabalik ka sa lugar ngunit hindi mo na maibabalik ang panahon. Sa palagay ko kaya tayo binigyan ng pagakakataong bumalik sa lugar ay upang magmasid at mamulat sa kung ano man ang makikita natin. Ikaw, napagtanto mo na ba kung bakit meron pa ring puno ng niyog sa lugar nyo na sa kabila ng pagtubo ng madaming tagyawat sa mukha mo ay andun pa rin?. Sana malaman mo at sana wag makahalata ang mga mambabasa na hindi ito pauso.

A feminine product of peculiarity


A feminine product of peculiarity

She is strong, vague, nimble and soul boosting. She is my girl.

I’ve known her for 4 years now but our love story just started last month. She is Hazelle. A feminine product of peculiarity. She was my classmate during my 3rd and 4th year in Nursing. During the 1st semester of my 3rd year, I often see her staring at the window of our classroom. As if something peculiar like Batman becoming a postman or a nuclear missile is fast approaching to us. When our teacher calls her, she stands, gives her answer and that’s it. Back to reality. Staring. Fifteen minutes gone by, still staring. I never dare to approach her for I have also my own world. Besides having a 3 hour class 4:30-7:30 in the evening seems like running in a labyrinth of insanity. More often, whenever I felt my eyelids is going to drop, I look at her, visualizing a girl trapped in a maze where demons and angels collide yelling puh-leeze let me out of here!.

Things changed when we became group mates in our hospital duty. Me, an alien in that group without knowing what the hell they are doing or who are these people I’m dealing with. Same with her, a prodigal girl seeking nothing, summoning no one. The first day of our hospital duty came. It was in Abatan, a place somewhere in Benguet. It is a 1 ½ hour ride from Baguio . While on the road, I’m already planning to find an internet cafĂ© in case I will fell a withdrawal syndrome. I look at her more often. Again, she stares at the window of the van. No response. Flat affect. I said to myself “Kawerdo talaga”.

When we reached the place, the group couldn’t decide on what room to take for the rest of our stay. Me, I just want to get out of there. She, every now and then looking at the place as if she is surveying something. After a long discussion, the group finally decided to take the house 50 pesos much expensive than the other in terms of rent. Hazelle and I were assigned with the cooking.Hazelle cooked tinola. The first words coming from her mouth after a long silence was “ Kakilala mo ba sila”. I said” Hindi eh, alien ako dito”. She then retorted” Pareho pala tayo”.

That conversation opened tunnels for exchanging of ideas, beliefs, norms and relationships. I’ve discovered that she recently broke up with her boyfriend after he caught him having an affair. Those conversations were filled with hatred, false pretence and shame. But she never cried during the course of our tsikahan nor felt sorry. Instead, she laughs and drives the conversation into greater bounds. I got to know her better. She is Hazelle. And I can now barely see her in my life. I ask her why she keeps on staring at the window of our classroom. She said “ Wala lang, gusto ko lang mag-isip ng kung ano”. Ah, that preceded my sanity over being judgmental. I told her “ Kala ko siraulo ka”.

Days, weeks and years have passed. That simple conversation leads me into the core of her life. She introduced herself as a woman of power. I had proven that a countless times especially when a never ending, deceiving and vague word appears- love. She often curses me for being so ridiculous and narrow minded when it comes to love. Whenever she encounters problems, she cries for at least a minute (30sec. was the fastest!). And then, she will ask me to take a walk. Then she opens a topic out of the sun encouraging even the nerves in your brain to ooze a liquid of laughter. She is Hazelle and she was still the best feminine product of peculiarity for me. And what about her ex-boyfriend? Well, believe it or not, there apartments are 5 meters away from each other. Adding to the fact that the girl of her ex-boyfriend lives there. What a scenario! I can’t imagine how on mother earth’s name did she endured the pains that keeps on puncturing her heart over the years. You wake up in the morning, seeing those two idiots holding hands and kissing. And in the night, you hear their laughter not to mention the two of them making love and you hear all the moans and crazy conversations. I asked her how on earth she was able to endure it. She said” Hayaan mo sila basta walang pakialamanan”.

She is Hazelle. She stands firm and divine.

Graduation came. I should now converge myself into traveling the path towards my goal. So is she. She took the board exams for Nurses. Meanwhile, I choose to teach in high school and at the same time writing in a local newspaper in or town halting my attempt to take the Nursing board examination. During that time, we communicated by texting and calling. When the result of the board exam came, her name was the one I first looked for over the internet .She passed the board. What a girl. A feminine product of peculiarity.

Things turned a little strange for me. I felt a sense of abnormality over my feelings to her. My day is complete if she calls or text me asking if I’m ok or what’s with the face today? She calls just to say that she and her niece are going to take a bath. So much for a nonsense talk but my heart beats and I’m with the clouds of joy every time she calls or text. It even came to a point where I personally go to Baguio all the way from Bataan ( my work is in there) just to see her.

One evening while we were talking about the film we’ve watched, she closed my eyes and kissed me in the lips. I felt like being kiss by a mystical force able to mend even the shattered glasses of time. It was good, soft, and static. I asked her why. She said” Yon ang nararamdaman ko eh”. An infinite number of stars suddenly protrude to my face. Was this a dream? Insanity? A joke? A portion of yari ka! In Bitoy’s Funniest Videos? But hell no. This is real. She loves me. The feminine product of peculiarity is in love with me.

The weird things are yet to be revealed. We have no monthsarry dates, no theme songs, and no favorite foods whatsoever. Only a motto- s**t happens!. Taking another step on the ladder of our story, she told me of things I had never expected to have had happened. She exploded. Ruptured. She voice out that she suffered so many dreadful nights, scorching her soul especially seeing those two idiots together. She cries when people are not around ( she even cried in the hospital hiding herself out of the curtains). She confessed about her views in expectations, fear, distractions, goals and sensitivity. I found a different Hazelle. This was the true Hazelle.

A feminine product of peculiarity yet vulnerable to the plagues of time. Upon hearing those unfortunate events that seemed too long been concealed, I begun to love her far more better that before. Hazelle is standing up but not alone. Someday I’ll make a bridge for her that would lead to her goals in life. I will remain below to catch her if she falls. But I know she won’t. She is strong, vague, nimble and soul boosting and most especially, she is with me.

Today is our monthsarry. And tomorrow. And the day after tomorrow. It was so weird that I usually smile in my class. People seemed to have known the core of their existence. But we have so much to learn. We have so much to shout for. Hazelle signifies the many faces of times. People who were stuck in a petrified portrait of expectations. People whom their weaknesses have no place in their environment. People who were denied of freedom. I will make Hazelle the Hazelle of her choice. I know I can. And I’m starting it now.