Monday, July 7, 2008

Chess


Chess

Kelan lang eh nalaman ko na meron pala akong kakayahan sa larangan ng chess. Ito’y matapos kong talunin sa isang labanan ang siyam na taong gulang kong pamangkin. Matatawag ngang tagumpay ang pakikipagtunggaling iyon pero parang may mali. Sana’y malaman ko pagkatapos kong maghugas ng plato.

Sabi nila, ang chess daw ang laro ng mga matatalino. Isa rin itong paraan para mahimas mo ng maigi ang iyong baba. Kung may balak kang sundan ang postura ni Ninoy sa limandaang piso eh sa palagay ko dapat maglaro ka nito.

Ang chess siguro ang isa sa mga pinakaboring na libangang matatawag. Ngunti isa rin ito sa mga pinakasubok at simpleng paraan para malibang ang isang tao. Kapag nakapaloob ka sa larong ito eh dapat mong ihiwalay ang problema mo sa buhay at sinaing nyo sa bahay. Isa lang dapat ang sentro ng iyong kaisipan- at ito ay ang manalo at kung minsan para makuha ang taya. Oo, pati ang pera ay nasakop na rin ang mundo ng chess.Hindi ko talaga sukat akalain na ang talino ng tao ay dapat pa rin malapatan ng salapi.

Minsan nagawi ako sa isa sa mga parke ng Baguio. May kumpulan ng tao doon na nakatawag ng aking pansin. Naglalaro sila ng chess at nakalapag naman ang pera nilang pusta sa bandang gilid ng chessboard. Sabi ko sa sarili ko, mainam yan para kumita pero nawala ata ang pakay ng chess sa tao. Ewan ko kung namamaligno lang ako nung mga panahong yun.

Sa paglagpas ko sa parkeng yun ay andun pa rin sila. Siguro hanggang sa mawala ang dilim ay dun pa lang sila titigil. Nakakapanghinayang lang dahil nalimitahan ng pera ang tadhana ng kanilang buhay.

Magulo pa rin hanggang sa ngayon sa isip ko kung bakit dapat magkaroon ng pustahan. Pero di nga naman sila pwedeng basta na lang pakialamanan. Opinion lang siguro sa ngayon ang dapat idampi sa kanila. Sa paggising ko sana mahimasmasan ang Pilipinas sa sinulat kong ito.

No comments: