Saturday, July 5, 2008

Pagbabasa…


Pagbabasa…

“ Hindi ako kailanman bibili ng dyaryo unless sinabi ng instrurctor ko…”. Wag mo nang isipin kung sinong artista o pulitiko ang nagsabi nyan. Uunahan na kita, ka-boardmate ko ang nagsabi nyan nung makita nya akong bumili ng dyaryo( hindi yong paborito mong bastos na tabloid!). Baka kasi mapraning ka sa kakaisip at maging dahilan pa para mag-amok ka at magpalaganap ng kudeta. Pabiro ang pagkakasabi ng ka-boardmate ko na yon pero pumukol pa rin sakin ang kanyang mensahe. Nagkaroon ng peklat, lumabas bilang tattoo, at umusbong bilang sebo sa aking kaisipan.

Oo nga naman, malaking kasalanan na ata ngayon ang mapalagpas ang mga teleserye sa T.V. o di kaya’y masulyapan ang mga taong ikinulong sa isang bahay at ginawang utusan ng isang boses dahil lamang sa nagbabasa ka ng El Filibusterismo at Bible. Hindi nga naman makatwiran ngayon na nagbabasa ka ng opinyon ng mga kabataan at mga bagong trends sa paggamot sa may sakit samantalang nasa noontime show na pala ang paborito mong artista suot ang kanyang Purefoods shoes, Mang Tomas make-up at Mang Inasal shades sabay hello kay Ning- Ning, Kat-Kat, Pot-Pot, at Ting-Ting.

Masarap na libangan ang pagbabasa, libre pa. Walang bookstore samin nung bata pa ako kaya pag nagpapagupit ako eh kumukuha ako ng magasin at nagbabasa habang nag-aantay na magupitan ako. Minsan nagpapahuli ako pag nagustuhan ko yong binabasa ko. Paborito kong basahin eh yong section patungkol sa mga pagkain. Bukod kasi sa makulay eh magaganda pa ang mga chef. Kaya gusting-gusto ko pag nagpapagupit ako. Kaso kalaunan eh nawala na ang mga magasin na yon. Ewan ko kung nanenok o pinanggatong na.

Ugali ko talaga ang magbasa. Nung nasa Baguio ako eh madalas akong sitahin ng guard na pinangalanan kong Max Alvarado dahil sa hindi sya nagsusuklay at kasinghaba ng paa nya ang bigote nya. Malugod naman akong sumusunod pag pinagbabawalan nya ako dahil sa nakikita ko sa mga mata nya na kaya nyang gawing bulalo ang bahay nyo pag nagalit sya. Wala naman akong kahilig-hilig magpunta sa library dahil sa tatlong rason. Una, nakakaantok. Pangalawa, bawal mag-ingay kahit na sobrang nakakatawa o nakakadiri na ang binabasa mo. Pangatlo, wala pa akong nakitang librarian na hindi nangangain ng tao. Parang pag nakita mo sila eh kulang na lang eh sabihin nila na “ may cancer ako, ginahasa ang anak ko at ang asawa ko ay may kalaguyo”.

Ang pagbabasa ay isang napakasagradong gawain. Hindi dapat kailanman itapon ang kasarinlan sa paggamit nito. Binigyan tayo ng biyaya ng Maykapal para makita ang opinyon ng iba sa lahat ng aspeto sa pagbabasa, panonood at pakikinig man. Hindi dapat ipawalang bahala ang pagbabasa dahil sa nakakaubos ito ng respeto sa sarili sapagkat nagiging mangmang ka sa ilalim ng iyong pagkatao. Parang pagkain din ang pagbabasa- kailangan mo ng tubig para di ka mabulunan.
hasEML = false;

No comments: