
Para kay Hazel.
Natanong minsan ng kaibigan ko habang ngumunguya sya ng bubble gum kung ano ang gagawin ko kung sagutin ako ng nililigawan ko sa isang panahong di ko inaasahan (halimbawa habang lumilindol o kaya tumatae ako), ano kaya ang reaction ko, hihinga pa ba ako? O gagawa ng munting rally sa EDSA?. Nagitla rin ako sa tanong nya na yon, pano nga ba?.Inlove ako ngayon kay Hazel. Nagtatae ang ballpen ko pero nasa kaya ngayon ang pagsusulatan ko.
Siguro mapapamura ako kung sakaling sagutin nya ako pagkatapos mananahimik. Hindi kasi maipaliwanag ang isang damdaming saklob ng pag-ibig sa kasalukuyan. Madaming mga werdong bagay. Gaya na lang na kahit bumili ka lang ng repolyo sa palengke eh naiisip mo sya. Yon bang tipong naka “high” ka… Natanong ko na rin ang tatay ko tungkol sa kung anong ginawa nya nung sinagot sya ng nanay ko. Ang sabi nya “ lumundag ako nun sabay hingi ng halik!”. Kung sabagay, iba-iba talaga ang nangyayri pag sinagot ka ng nililigawan mo. Yong kaibigan ko nga nung nanliligaw eh sobrang pagod ang binuhos nya. Pero nung naging sila eh mas gugustuhin mo pang sumama na lang sa mga prayer rally dahil sa hindi sya nagsasalita pag kasama na nya ang babaeng pinagbuhusan nya ng panahon.
Wala akong kasiguruhan kung sasagutin nga ako ni Hazel. Pawang mga palipad lang sa hangin sa ngayon ang mga pangarap ko para sa kanya. Pero sa ganitong aspeto sa palagay ko eh humanga ako sa sarili ko. Ang mga nararamdaman ko sa kanya eh hindi ko lang pinapakita sa pisikal na estado ( hindi yong iniisip mo!), kundi nailalapat ko rin sa papel na nagsusumigaw ng kanyang pangalan.
Kakaiba talaga pag inlove ang isang manunulat. Nakasentro man ang kanyang kamay sa papel pero ang kanyang kaisipan ay nagsusumigaw na malapatan ang kanyang minamahal ng isang obra na mistulang representsyon ng kanyang busilak na pagmamahal( kung gusto mo mapraning eh ipagpatuloy mo lang ang yong pagbabasa).
Natanong minsan ng nanay ko kung ano ang ginagawa ko sa bintana at isang oras na akong tulala. Ang sabi ko “ nagtratrabaho po ako inay”. Ngayon, nakita ko ang sarili ko sa salamin na tumatawa. Lumapit ang nanay ko sabay banat na” nagtratrabaho ka ba anak?”. Sabi ko” hindi po baliw na ata ako”. Sabay alis na ng nanay ko para magprito ng talong. Pero kita ko ang ngiti sa nanay ko. Alam nyang inlove ako pero hindi baliw. Ang di nya alam baliw ako, inlove nga lang.
Saan man patungo ang daan na sa kasalukuyan eh hawak ni Hazel, nagpapasalamat ako sa kanya na nabigyan ng alas ang baraha ng pag-ibig ko.( wag ka mag- alala patapos na itong kakornihan na to). Isa lang ang masasabi ko sa ngayon… “kayang ibigay ng isang manunulat ang kanyang tinta para umagos ng maayos ang ilog ng kanyang minamahal”. Naks… Panalangin sa Birheng Milagrosa” Sana po hindi nila napansin na nambobola lang ako “.
2 comments:
AH GUSTO KO LANG MALAMAN NG NAGSULAT NITO NA NAPAKA EFFECTIVE NG PAMBOBOLA MO!
NABOLA AKO.HEHEHE.
ang pota! ang haba nmn...ano dw un???? sumakit ulo q dun ah...sna wit pics pra ms interesting.. "_"
Post a Comment